REPLEKSYON SA FILIPINO AT SA PILING LARANG
Repleksyon sa Filipino at sa piling larang
Una sa lahat gusto ko lamang na
sabihin na napakasaya ko dahil nabuhay muli ang subject na Pilipino kasi akala
ko na hindi na namin ito tatalakayin pa dahil kami ay nasa mataas ng lebel ng
pag aaral, ang subject na ito kasi ay aking paborito simula pa noong ako ay
elementarya, ako ay lagging nakakakuha ng mataas na grado sa subject na ito.
Ako din ay labis na nasisiyahan dahil napakarami kong natutunan sa subject na ito tulad na lamang ng pag –
kakaroon ng maayos at pormal ng pag hahanda sa isang meeting o sa pililpino ay
pagpupulong andirito din ang pag aayos ng memorandum na iyong ihahanda sa isang
tao. Hindi lang ito ang aming mga tinalakay madami kaming natalakay sa subject
na ito na hindi na madali , para sa matatas na degree na ang mga pinag aralan
naming dahil alam ko naman na alam ninyo na ang aming eskwelahan ay advance
pagdating sa mga module ng isang klase kasi ito ay magandang eskwelahan. Alam
ko na mahirap dfing pag-aralan ang subject na filipino dahil sa mga malalalim
na salita sa ng mga Pilipino na kung tawagin ay tagalog. Aaminin ko na ako ay
nahihirapan din sap ag sasalita ng tagalog kahit na ako ay pinoy. Ako ay
nahihirapan dahil sa kadahilanang ang mga eskwelahan na pinag aralan kon noong
ako ay nasa elementarya pa lamang ay nag papangaral ng salitang ingles sa
kanilang mga estudyante kung kaya’t ako ay medyo nahihirapan sa mga salita ng
tagalog ako ay nahihirapan sa mga mahihirap na salita lalo na young mga
malalalim na salita. Aking napag isip isip na bakit kaya natin kinikilala ng
mabuti ang mga salita ng ibat ibang bansa
samantalang ang ating lingwahe ay hindi natin mapag aral aralan ng
mabuti. Dapat nga ay pinag aarlan din natin to at mas binibigyan ng pansin at
pokus dahil ito ay ang pambangsang wika, ngunit nasaan na ang diwwa nito
ngayon. Kadalasa ang mga maliliit pang mga bata lalo nap ag anak ng mayayaman o
may mga may kaya ay sinasanay na mag salita ng ingles. Uo alam ko ng kailanagn
to balang araw sa ating buhay dahil ito ay kailangan sa ating trabaho ngunit
sana ay bigyan din ng pansin ang ating salita dahil kung tutuusin ito ay
napapag iwanan na, minsan nga kapag ikaw ay lumaki sa ibang bansa at ikaw ay
mag babalik bayan ikaw ay nahihirapan na sap ag sasalita ng tagalog pero ikaw
ay interesado na ito ay pag aralan , buti pa nga yung ibang mga dayuhan
interasado sila sap ag aral at pag tuklas ng ating wika ngunit tayong mga pinoy
ay hindi gaano , nasaan na ang diwa nating mga Pilipino? Sana sa paglipas pa ng
mga araw ay may mag hikayat sa atin na mas paliwagin pa ang ating pag sasalita
ng tagalog dahil ito ay marapat at ito rin ay ating pambansang wika. Sa aking
pag tatapos sana ay hindi ko makalimutan ang lahat ng napag-aralan ko sa
subject na ito at magamit ko to balang araw sa aking buhay yoon lamang at
maraming salamat.
hatdog
TumugonBurahinpinagsasasabi mo be?
TumugonBurahin